Linggo, Setyembre 11, 2016

Tutubi noon, Pokemon Ngayon

Mama, nakakita ng mga batang parang may hinuhuli. Sabi ng kasama niyang matanda, nanghuhuli ng Pokemon yan.

Mama: dati tutubi ang hinuhuli sa damuhan, ngayon mga pokemon na?

Nung ikinuwento ito sa akin, hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Hindi man ako anti-pokemon pero nakita ko ang sense ng sinabi niya. Tama naman eh, may nakikita pa ba kayong mga tutubi? Mga paro-paro na marami? Sa panahon ngayon ay madalang na lang at hindi tulad noong bata pa ako na nagkalat sa mga kabukiran o damuhan ang mga ganoong uri ng hayop.

Siguro nga naubos sila kakahuli ng mga kabataan noon at may katotohanan na pag nawala na sila ay hindi na mapapalitan agad. Nakakalungkot man pero hindi tulad ng mga Pokemon, ang mga tutubi ay totoong buhay, ngunit sa kasamaang palad ay unti-unti nang hindi natin nakikita.

Hindi na masisilayan ng basta-basta ng ating mga anak at tuluyan na nga tayong nasakop ng pagtaas ng antas ng teknolohiya. Kasama na diyan ang mga laro sa mga gadgets natin ngayon.

Again, walang masama na makisama sa daloy ng kung ano ang uso. Kanya-kanyang trip iyan at depende sa kasiyahan ng isang tao. Somehow maganda rin dahil hindi na mas lalo pang mauubos ang mga tutubi sa kapaligiran na teka, meron pa nga ba? Alam ko rin na ginawa ang larong iyan para magkaroon ng interaksyin ang mga bata at para maengganyong lumabas. Pero sasang-ayon naman siguro kayo sa katotohanang, mga tutubi ang hinuhuli noon at pokemon naman ang ngayon.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento