Huwebes, Setyembre 15, 2016

Sinong Nagsabing Walang Plano ang LP?

Yung eksenang nung Mayor eh hindi inihabla tapos nung Presidente eh hindi natakot na lumabas? Tapos sasabihing natatakot daw para sa kaligtasan? Parang may mali.

Yung eksenang bonggang pambubully ni Trillanes kay Cayetano na may matching pag try na patayin pa ang mic? Kabastusan to the highest level. Alam kong maingay si Cayetano at nakakabwisit talaga, pero may bearing ang mga tanong niya at kinukuha ni Trillanes ang atensyon.

Yung eksenang chairwoman si De Lima pero parang abugado nung witness.

Yung eksenang paiba-iba ang statements tapos sinasalag nila De Lima kapag naiipin na?


Well, desperate move is still a move.

Then media will sensationalize it and then there goes Joseph Goebbel's quote, "If you tell a lie big enough and keep repeating it, people will eventually come to believe it."

Hintayin natin ang next move ng LP, ICC will pick it up just like what Sass said. Just like what has been done to Kenyatta of Kenya. Habang nasa trial si Duterte, Leni will take over. Ano ba? Bulag pa rin ang marami na kalakaran to ng Amerika at ang katulong nila asa Pilipinas ay ang LP noon pa. Bakit? It's all about national interest mga te. Kahit na nuknukan ng bait ng mga ibang bansa, may agenda yan sa atin mapa China man o America. Now, Duterte is trying to change the game by being neutral with China dahil subok na ang America sa kaso ni Marcos. I am not saying that Marcos is best or good, what I am saying is hindi pumapanig si Duterte sa mga Amerikano dahil subok na ang reputasyon nila sa Iraq, Libya, Syria, at sa iba pang mga bansang pinatalsik ang mga lider.

Ang tanong ngayon...kung sa panahon ni Marcos nagtagumpay sila, paano lalabanan ng mga tao ang kalokohang iyan ngayong lahat ng impormasyon at propaganda ay natatabla na. Self-destruct na ang LP dahil lahat ng skeleton in the closet ay lumalabas na.

Kung naniniwala ka pa rin na matino ang LP? Ewan ko na lang. Either anak mayaman ka, elitista or wala ka lang talagang pakialam sa logic. Eto na lang eh, 30 years namuno sila bakit 3rd world country pa rin tayo? Bakit ngayon ni hindi sila manahimik at makipagtulungan sa mga proyekto ng Gobyerno at talagang hinahanapan ng butas ang pangulo?

Bakit ipinagpilitang manalo si Leni Robredo kahit harap-harapan ng nakikita ang pandaraya? Tugma lahat iyan. Iyan ang dahilan bakit ako bwisit na bwisit noong nanalo si Leni dahil una hindi siya ang nanalo, pangalawa checkmate si Duterte. Just wait and see...their plan is coming. Sabi ko sana mali ako, pero pag nangyari iyon...gusto kong sabihin sa mga taong pilit pinagtatanggol ang LP at si Robredo.."Congrats! Ano nga ulit yung sinabi mo dati? Na walang ganung plano?"

Ipagdadasal ko na mali ako....huwag kayong magrereklamo kapag hindi pa rin umayos ang bansa natin kung si Leni ang naiupo at balik hayahay ang mga kampon ng LP. Well di pala magrereklamo kasi karamihan naman sa supporters nila ay mga di alam ang totoong konsepto ng hirap.

1 komento: