Marami na ang nasabi tungkol sa Mga katagang human rights. Sa totoo lang? Sobrang lalim nito na hindi rin kayang ipaliwanag ng katawang lupa ko.
Ngunit isa lang ang totoo, karapatan ng lahat ang Human Rights lalo na ng mga inosenteng indibidwal. Marami ang nakikialam sa ginagawa ni Duterte, marahil dahil sa concern o di naman kaya ay may hidden agenda. Sa lahat ng nabanggit na tungkol sa karapatang ito, bakit may mga nangyari pa rin na nakalusot sa mata ng buong mundo? Ang punto ko dito, lahat ng tao ay may karapatang pantao pero sana nag-aapply ang tuwirang pangingilam sa mga bansang mas nangangailangan ng tulong sa labas at hindi ang mga bansang pinipilit itayo ang nasira ng dangal.
Panoorin natin ang isang pangyayaring naganap sa Rwanda. Magsilbi sanang tagamulat ang mapapanood ninyo. Hindi para magtanim ng sama ng loob sa mga kung sinumang hindi gumalaw o tumulong, kundi para magsilbing aral at tingnan ang kasalungat na perspektibo tungkol sa laban ni Digong.
Tatagan ang inyong loob at ihanda ang sarili sa mga mapapanood. Pero eto ang katotohanan, eto ang malinaw na against sa humanity at human rights. Eto ang ibig sabihin ng kasamaan.
Tatagan ang inyong loob at ihanda ang sarili sa mga mapapanood. Pero eto ang katotohanan, eto ang malinaw na against sa humanity at human rights. Eto ang ibig sabihin ng kasamaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento