Sabado, Setyembre 10, 2016

Hindi Na Nga Ba Tayo Puppet?

Ang Pilipinas ay isang napakayamang bansa, hindi lamang sa mga likas na yaman kundi maging sa mga talento. Tayo ay namamayagpag sa larangan ng BPO at pagpapadala ng mga tao sa ibang bansa para ibahagi ang ating talento doon. Ito ay sa tulong ng mga bansang katulad ng US, Gitnang Silangan at Europa. Ito ay walang duda na nakakapagbigay sa atin ng kita at malaki ang naitutulong sa ating ekonomiya.

Ngunit may naiiwan, ano? Ang dapat na backbone ng ating ekonomiya... Ang agrikultura, pangingisda at manufacturing. Ang mga ito ay matagumpay na naisulong ng mga bansa sa Asia or Timog Silangang Asya katulad ng China, Vietnam, Thailand at Malaysia. Dito tayo nahuhuli, dahil ang ating mga likas na yaman ay hindi nagagamit ng maaayos. Natengga rin tayo sa larangan ng paggawa at ang ating mga imprastraktura ay hindi rin ganoon kalayo ang iniusad. Ito ang sa tingin kong maaaring dahilan ng pakikipag ugnayan ng mas malalim sa mga nabanggit na bansa. Ito ang malaking maitutulong sa atin ng bansang Tsina.

Kapag napagtagumpayan nating pagyamanin ang mga larangan na sinabi ko, magagamit natin ito sa ating national interest. Ang pagpapayabong natin sa agrikultura sa tulong ng mga bansa sa Asya at ang pagpapayabong natin sa ating puwersang paggawa sa mga multinational companies at ibang bansa dahil naman sa ating mga talento ay mistulang hitting 2 targets with one arrow na maaaring mag-ahon pa ng husto sa ekonomiya.

Kahit na sang-ayon ako sa lahat ng mga sinabi ni Duterte against sa US, kailangan din nating makisama (wala tayong choice). Para na rin sa mga kumpanyang nandito at sa mga kababayan nating nandoon. Pero, huwag sa puntong masyado na tayong nagpapakababa na lahat na lang papakialaman maski ang internal na issues natin. Natural lamang na kundinahin natin ang ginagawang "pagsakop" ng Tsina sa ilan sa ating mga isla, pero isipin din natin ang maaaring maitulong ng bansang ito sa atin. Kailangan tayo ang maglaro sa kanila at hindi yung sila ang lumalaro sa atin sa sarili nating bansa at lupa.

Isa lang ang sa tingin ko ang magandang nangyari, ang pagpapakilala natin sa ating bansa bilang independent at hindi tuta ng kahit na anong bansa Tsina man o America. Subalit nakakalungkot na mismong sa loob ng bansa ay marami ang kontra. Lalo na ang mga taong walang ginawa sa loob ng ilang taon kundi ang magpayaman sa kaban ng bayan. Kasama na ang mga normal na mga Pilipino, may tinapos man o wala na masyadong nabubulagan sa lalim ng problema at mas pinili ang manira kesa ang magbuo.

Photo Courtesy of CNN (not mine)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento