Sabado, Hunyo 16, 2018

Back To Blogging!!!!!

Heyaaaaaahhh!! I retrieved my password and I am so egggzoited!!...as in eggzoited to be back in blogging. So many things had happened to me these past few years... Oh my God! It's been what? 2 years since my last post in here haha... felt like an eternity.

Anyways... i'm now alive and kicking! With so much information, adventures and misadventures to share. Since I am now sooo "kikay" because I already have an online beauty shop? Expect that I will be sharing some stuffs about beauty and wellness. Some reviews on products and my journey to weight loss or anything under the sun that I feel like I wanted to talk about. Of course! Motherhood will also be one topic that I will be writing about.

I am Mauskie!! And i am back to blogging.. Wink Wink.. 😍👍😘


Lunes, Oktubre 31, 2016

Imahinasyon ko Nga Lang Yata

Photo Credits to Google Image
Sabi nila kapag nagsusulat ka, malikot din ang imahinasyon mo. Marami kasing bagay ang pumapasok sa isip, at sala-salabat iyon hanggang sa maayos na lang habang sinusulat. Ngunit paano kung may di maipaliwanag kang bagay na naranasan? Kathang isip lang ba o totoo na?

Naging parte ako ng isang College Newspaper at kasama sa trabaho namin ay ang magtangkang gumawa ng article na maaring pagpilian ng mga editors kapag naipasa na. Kaakibat nito ang pananatili sa loob ng aming opisina sa mga alanganing oras o maski ng weekend. Nagsimula ang lahat ng isang sabado ng umaga na kailangan naming magreport sa opis. Wala pang tao noon, parang dalawa palang kami sa pagkakatanda ko. Habang nakaupo ako sa hagdan sa labas ng opis namin, isang imahe ang nakita ko sa aking peripheral vision, imahe ng babae na umaakyat. At dahil hindi naman ako naniniwala sa mga multo, tiningnan ko ng direcho ang imahe at nakita ko nga nga siya. Inalis ko ang tingin ko dahil baka namamalik-mata lang ako. Nang tumingin ulit ako ay nandun pa rin siya...nakaakyat na siya ng mas mataas, inalis ko ulit ang tingin ko at nang ibinalik ko ay wala na. Kabaligtaran sa mga napapanood sa pelikula, hindi ako nakaramdam na parang gusto kong kumaripas ng takbo. Parang huminto ang oras pero pinagwalang bahala ko lang.

Wala lang... Ano pa ba? Pero matapos ng araw na iyon ay madalas ng may nagpaparamdam sa opis lalo kapag mga bandang alas otso na ng gabi. Nandiyang may kumakatok sa pinto pero kapag labas mo ay walang tao, may panahong biglang nabasag ang isang word of God na nakasabit sa dingding. Bigla na lamang nag slide nang walang gumagalaw na tao o malakas na hangin. Ang isa pang nangyari ay noong dalawa kaming naiwan sa opis ng kapwa kong manunulat na babae. Matatakutin iyon kaya wala akong binabanggit talaga sa kanyang kahit ano. Nagpasya kaming mag CR at dahil sa madilim ay nagpasama siya sa akin. Iniwan naming sarado ang ilaw ng opis at nang bumalik kami, ako ang nauna at nagbukas ng pinto. Nabigla ako sa mukhang tumambad sa akin pero ang mas nagulat ako ay ang pagtili at pagtatatakbo ng kasama ko palayo. Hinabol ko siya habang sinisigaw ang pangalan niya... "Bakit??? Teka... Ano ka ba?? Bakit ka lumalayo?" naabutan ko siya na halos mangiyak-ngiyak na nakatakip ng kamay ang mga mata. Tumingin siya sa paligid at sinabi niyang may nakita siya nung binuksan ko ang pinto. Sumusunod daw iyon  kanina kaya hindi siya humihinto sa pagtakbo..isang babae. Nagtaka ako dahil hindi ko naman sinabi sa kanya na may nakita ako, pero nakita rin pala niya...dun na nabuo sa isip ko na hindi na ito biro, hindi na talaga.

...nagpatuloy pa ang mga di maipaliwanag na pangyayari. Hindi naman araw-araw pero paminsan-minsan ay may mga kakaibang nagaganap. Ang huling yugto nito ay nang umuwi ako galing sa eskwela. Napansin kong malamig ang dampi ng hangin sa akin pero naisip ko na mlamang ay gawa lang ng panahon ito. Kumain...natulog at kinaumagahan ay naramdaman kong sumilip ng bahagya ang aking kapatid sa pinto, mga alas sais ng umaga iyon. Sa isip ko, "problema nun?" pero pinagwalang bahala ko lang dahil baka chinicheck lang niya kung nandoon nga ako. 

Nung nananghali kami ng araw na iyon ay tinanong niya ako kung nakita ko siya na sumilip sa kuwarto. Ang sabi ko naman ay oo at doon na nila pinaliwanag sa akin ni mama ang dahilan. Habang nag uusap daw sila sa labas ay may dumaan sa gitna nilang puwersa, as in malakas na puwersa na nagkatinginan sila. At nagkatanungan kung naramdaman ba ng isa't isa ito. Ang puwersa ay papunta sa kuwarto kung saan ako natutulog kaya sumilip ang aking kapatid. Dahil doon ay sinabi ko sa kanila ang aking mga nararamdaman. "Huwag mong intindihin... Huwag mong i-entertain ang ganyang mga bagay" sabi ng aking ina. Nagdasal kami, madalas na panalangin at nang lumaon ay nawala na rin naman ang mga ganung bagay na nararamdaman ko. 

Walang Multo, Iyan ang pinaniniwalaan ko. Ang meron lamang ay ang mga dark spirits na handang gamitin ang imahe ng mga namatay para maka penetrate sa utak ng isang tao. Kung mahina ang pananampalataya mo sa taas, may tiyansang matalo ka ng utak mo at ng sinasabi nilang 6th sense.


Bukas ba ang third eye ko? Hindi. Dahil ayaw ko at dahil hindi puwede at dahil hindi ito option o regalo. Masuwerte ang mga taong napigilan ang ganitong pangyayari pero para sa iba na hindi kinaya...dasal lang talaga. Sa sarili kong opinyon, karamihan ng nakakaranas ng ganito ay may malalim na iniisip at sadyang pagod. Siguro noong mga panahon na iyon ay pagod lang ang katawan ko sa biyahe at kaiisip ng maaaring isulat. Maraming puwedeng dahilan pero minsan naiisip ko rin, sadyang kathang isip nga ba talaga ang nangyari kung maski ang aking kapamilya ay nakaramdam na?

Sa ngaon, kung tatanungin ninyo kung nakakaramdam at nakakakita pa ako? Minsan...may padaplis daplis na pagkakataon. May mga sumunod na mga nangyari pero gaya nga ng nasabi ko, huwag pansinin at huwag tangkaing tuklasin. Kung makakita ka man ng inaakala mong multo...isa lang ang sabihin mo. "Jesus..take away these demons". Katulad ng ginawang pagtukso sa kanya noon? Tinutukso din tayo ng masamang puwersa sa oang araw-araw, sa iba't ibang form at paraan.

Isinulat ko ito hindi para makapanakot ngayong araw ng patay. Nais ko ring ibahagi ang aking karanasan para sabihing ang totoo nating kalaban ay ang isip natin at ang mga inner devils sa mga sarili natin. 




Biyernes, Setyembre 23, 2016

Pasaporte ni Ama at Ina

Photo Credit to Rappler.Com
Habang pinapanood ko yung movie na "ANAK" sobra ang tumulong luha sa akin. Siguro dahil hindi ko maintindihan yung mga anak na ganun ang turing sa mga magulang nila. Karamihan siguro sa inyong mga nakakabasa ay alam na ang istorya ng ANAK, ang kuwento ay tungkol sa isang ina na naiwan sa isang sitwasyong kinailangang piliin ang pangingibang-bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Subalit sa kabila ng lahat ng ito ay nawala sa tamang landas ang panganay niyang anak at naranasan niya ang lahat ng uri ng pambabastos mula rito. Sa nasabing pelikula ay naipakita ang dalawang papel na napakahirap gampanan, ang maging isang OFW at ang maging isang Ina. Walang magulang, walang ina ang nanaising makita ang kanyang mga anak na halos mamatay na sa gutom at lumaki sa kamangmangan dahil sa kahirapan. Ang pinakamahirap na desisyon ay yung pag-alis sa piling ng mga mahal sa buhay upang maiwasan ang lubhang paghihirap. Ito lang eh.. ito lang ang kailangang isipin ng mga anak para ituwid nila ang landas na tatahakin nila. Hindi pinupulot ang pera na ipinapadala ng mga magulang para lamang sa pagbuo ng isang magandang hinaharap. Kung may trabaho lamang sana dito sa Pilipinas na magbibigay ng disenteng pagkukuhanan ng kabuhayan ay hindi na kailangan pang mangibang bansa ng karamihan sa ating mga magulang. Wala ng ganitong totoong drama ng buhay na sumisira sa ilang tahanan dito sa ating sariling lupa. Hindi ito kasalanan ng ating mga magulang, bagkus ay itinulak lamang sila ng sitwasyon para lumayas at yakapin ang buhay na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ako ay masasabing biktima din ng ganitong pangyayari. Ang aking ama ay seaman na namatay  sa dagat nung ako ay mag-aapat na taong gulang pa lamang. Wala akong muwang, dumating sa puntong sinabi ko sa aking ina na bibili na lamang kami ng bagong tatay dahil nasa kabaong na ang aking ama na sinsaabi nila noong patay na. Hindi ko siya kilala sapagkat sa loob ng 3 taon na ako ay nabuhay sa mundo ay palagi siyang nandun sa barko at mga 2 o 3 beses lang ata niya ako nakarga sa kanyang mga bisig. Sa isang iglap ay nawala ang lahat ng kanilang mga pangarap ng aking ina. Naiwan si mama na kinakaharap ang kalbaryo kung saan kukuha ng pangtutustos sa aming pang araw-araw na pangangailangan. Dumating sa puntong walang-wala na, lubog sa baha ang bakuran, sampung piso na lamang ang laman ng bulsa niya at gabi-gabi ay narirniig ko ang kanyang paghikbi dahil sa sobrang hirap na nararanasan namin. Literal na kulang na lang ay mamalimos  na kami ng tulong para makaraos sa pinagdadaanan namin.Hindi ko alam ang patutunguhan noon pero hindi kami pumayag na maging ganoon na lamang ang buhay kaya lumaban kami. Sa tulong ng mga taong nagmamahal sa amin, kahit papano ay natulungan kami. Sila ang nagbigay ng instrumento para maisagawa namin ang nasa plano naming pagsusumikap at pag-aaral ng mabuti.para makatapos.

Ano ang pinupunto ko sa aking nabanggit sa taas? ito ay ang pagkundena ko sa pagiging siraulo ng mga taong may mga magulang na handang magsakripisyo para sa ikauunlad nila pero isinasantabi yun at sinasayang dahil lamang sa hindi katanggap tanggap na sumbat na "nasaan ka nung kailangan kita?". Nagsasakripisyo nga di ba??? para lang sa inyo. Para hindi na kailangang mamalimos, magdildil ng asin at para sa kinabukasan na rin. Walang magulang ang makukuntentong makita ang mga anak nila na naghihirap at kumakalam ang sikmura sa gutom. Sana magsilbing inspirasyon ang lahat ng aking nabanggit sa mga taong hanggang ngayon ay sarado pa rin ang utak sa paghihirap ng kanilang mga magulang, mapa OFW man o namamasukan dito sa ating bansa na kumikita lamang ng kakarampot sa araw-araw.

Hindi ako naniniwala sa palasak na katwirang: "lumaki akong pasaway dahil wala ka! wala akong gabay".. mas dapat tayong maniwala sa "Lumaki akong maayos dahil wala ka! natuto akong lumaban at magpakabuti para balang - araw ay makakabalik ka na at hindi na kailangang mag abroad pa"



Linggo, Setyembre 18, 2016

Open Communication, A Key to a Team's Success

Photo Courtesy of Google Image
I love to watch war movies, stories about soldiers and how one platoon can work as one. Movies and series like Band of Brothers, Enemy at the Gates and Stalingrad are some of those that I really love.

As I was watching those movies, I realized one main component of a victorious fight and it is efficient and effective line of communication. No plan will be executed accordingly if the individuals in the unit are working based only on their own perspective. 

Applying it into workplace, there's this term called Open Communication. It is the condition where an employee is free to provide his insights without any fear of retaliation, bad impression or judgment from the management or his colleagues.

As you can see, one team will be able to deliver accurately if the members are talking to each other on the concerns that really matters. The need to talk about an issue right away, be it criticism of an error or acknowldedgment of a glitch is a must in order to rectify it urgently as well.

To tell you honestly, I am really a fan of open communication as I strongly believe that it is what a team needed in order to have a harmonious relationship with each other. The least that i want myself to be in is a situation wherein I have no idea that my actions are already causing a damage to the team's performance. At such, that's where a team mate supposedly would interfere...not to criticize but to correct what is wrong.

In all the teams that I have been with all throughout my career, i have always promoted this mindset. I am not really a fan of backstabbing, as I believe that being open in a respectful way will benefit the whole of the team and eventually the company. Unfortunately, I have also realized that this mindset is not intended for all people. 

There are instances that suggestions will be interpreted as arguments and your perception will be translated to a personal attack. It is inevitable as every meeting or communication is accompanied not only by what you are saying but also with how you have said it. Is it sarcastic? Does it seem that you would want to imply something? You see... There are so many factors to consider.

While it is right to lay down your side on every situation, be sensitive as well. Here are some tips to a more harmonious relationship in line with open communication:

1. After a heated meeting, talk to that someone that you think you have offended and just settle things right as soon as possible.

2. Always try to pinpoint the error respectfully in front of the concerned person. NOT to your other colleagues. Not just because it is unethical but also in order for the concerned party to rectify the error right away. This will free the team from unnecessary problem in the future.

3. Never judge your colleague based on your impression without asking him first. There may be some things that you have not considered in your assessment.

4. Stick to the issue. Don't ever interrupt your colleague or insert other topic that will create an impression of fault finding.

5. Open communication comes with an open mind. Don't assume that the argument is already personal unless the tone is quite obviously disrespectful already. If that happened, resist professionally.

5. Last but not the least is RESPECT and TRUST. Without this, any relationship will somehow collapse even if it has started in good fate.

I hope this helps you understand some points. I, myself is also having some difficulties in applying the things that I have mentioned above but I am trying my very best. Always remember, a team will not be a team if the members are divided and full of hidden comments. A war will not be won if the soldier's tactics and actions are not aligned to their captain or their unit.


Sabado, Setyembre 17, 2016

Conflict: Paano Makakaiwas?

Photo Courtesy of Google Image
Karamihan ng conflict sa isang pag-uusap ay dahil sa mayroon ng perspective ang mga taong nag-uusap. Natatabunan nito ang totoong essence ng usapan dahil una pa lang ay may dating ng hindi maganda. Maaari sana siyang maiwasan kahit na mahirap kung lahat tayo ay matututong makinig at ianalisa ang mensahe at hindi ang kung sino ang nagsasalita.

Ibabahagi ko lamang ang kuwento ko noong boss ko ay isang Dutch National. Maangas ang unang impression ko sa kanya dahil pag dating sa meeting talagang kikwestyunin ka at minsan ay may sarcasm pa. Pero ni minsan ay hindi ko naramdamang galit siya dahil sa way ng pag deliver niya. Noong nagkaroon na kami ng pagkakataong makapag-usap ng one to one, lalo ko siyang naintindihan. Hinikayat niya akong magsalita kung ano ang nasa isip ko dahil ang lahat ng ideya gaano man daw kalaki o kaliit ay ideya pa rin.

Pag dating sa meeting, sabihin mo lahat in a professional way dahil iyon ang pagkakataon na magkaroon ng talakayan na ikagaganda dapat ng isang organisasyong kinabibilangan mo. Isa sa hindi magandang practice ang pananahimik sa loob ng silid pero ang dami mo palang gustong sabihin na ang epekto ay imbes na maibahagi mo sa lahat ay sa mangilang-ngilang tao mo na lang tuloy naibabahagi. Isang sitwasyon na maaring magbunga pa ng hindi pagkakaintindihan at ang epekto? Magkakaroon ng misconception sa kung ano ang issue, kung ano ang napag-usapan at kung ano ang totoong sinabi. 

Malungkot mang aminin ang sinabi ng boss ko pero totoo...karamihan daw sa ating mga Pilipino ay ganoon. Bigla ko tuloy naisip..kaya siguro hindi kami uminlad-unlad dahil totoong karamihan sa atin ay ganito. Hindi sa senado, sa mga matataas na opisyal ngunit mas lalo na sa mga maliliit na organisasyon.

Imbes na mag-usap ng tinitingnan ay ang konteksto ng sinasabi para maayos ang isang bagay or mag meet half way kumbaga? Walang natatapos dahil may kanya kanyang pananaw at walang gustong magpatalo.

Pero ano nga ba ang dapat na gawin para maging produktibo ang isang pag-uusap at hindi maging negatibo? Basahin ang ilang tips na ito na halaw sa isang artikulong naisulat sa wikang Ingles.


1. Avoid unnecessary details.
Don’t sidetrack. For example, if the time something happened isn’t important, don’t waste time getting it right.
2. Don’t ask another question before the first one has been answered.
If you ask how someone’s children are, don’t jump in with your family health before she has answered.
3. Do not interrupt another while he is speaking.
Also, try to make your story short, giving the other person a chance to speak and not interrupt.
4. Do not contradict, especially if it’s not important.
You are inserting unnecessary details into the person’s story. “The person who contradicts, frequently restates the matter in another way.”
5. Do not do all the talking.
Ask questions to find out what you both have in common.
6. Don’t always be the hero of your story, however, the story should have a hero.
Build up others as well as yourself.
7. Choose a subject of mutual interest.
Draw the person’s interests out and don’t “hinge the conversation on politics when it should be on potatoes or on poetry.”
8. Be a good listener.
You will naturally become one if you follow the above rules.
9. The conversation should be in harmony with the surroundings.
Do not “talk about cheese when the moon would be a more fitting topic.” Also, don’t discount the appropriateness of silence.
10. Do not exaggerate.
Not everything is “the best,” “the worst,” or “the funniest.”
11. Do not misquote.
“Use the quotation for the occasion; do not make an occasion for the quotation.”
12. Cultivate tact.
Do not be untruthful, but also don’t feel the need to be hurtful. Do not say someone looks unwell, sick, or tired. This will do nothing to further conversation and only make the person uncomfortable. Don’t hint at it either by asking if she had a long night. Remember silence is an option. “Say the right thing, or say nothing.” (Source:The Art of Conversation)

Mahirap man pero ang pakikipag-usap ay ang dahilan bakit umiikof ang mundo natin. May makakausap tayong hindi kanais-nais at meron din namang maayos. Lagi lang tandaan na tingnan ang mensahe at i-assess ang mga pangyayari. Makabubuti din na linawin natin ang punto ng taong kausap natin para maiwasan ang tagpo na lalo pang magpapagulo imbes na magbubuo. Isipin lagi na walang nagmamagaling at ang gusto lang ay ilabas ang mga mahusay at paraang ikagagaling ng sitwasyon at higit sa lahat ay panatilihin ang respeto.

Pero kung ang mga bagay na ito ay naisagawa na pero ganun pa rin? Kailangan ng huwag lumaban sa usapang walang patutunguhan...magpakumbaba at tumigil na (isang bagay na maski ang inyong lingkod ay nahihirapan haha dahil ayaw ko ngang nabubully..pero I am trying to practice it naman.. Haha)

Ciao! ;)



Huwebes, Setyembre 15, 2016

Sinong Nagsabing Walang Plano ang LP?

Yung eksenang nung Mayor eh hindi inihabla tapos nung Presidente eh hindi natakot na lumabas? Tapos sasabihing natatakot daw para sa kaligtasan? Parang may mali.

Yung eksenang bonggang pambubully ni Trillanes kay Cayetano na may matching pag try na patayin pa ang mic? Kabastusan to the highest level. Alam kong maingay si Cayetano at nakakabwisit talaga, pero may bearing ang mga tanong niya at kinukuha ni Trillanes ang atensyon.

Yung eksenang chairwoman si De Lima pero parang abugado nung witness.

Yung eksenang paiba-iba ang statements tapos sinasalag nila De Lima kapag naiipin na?


Well, desperate move is still a move.

Then media will sensationalize it and then there goes Joseph Goebbel's quote, "If you tell a lie big enough and keep repeating it, people will eventually come to believe it."

Hintayin natin ang next move ng LP, ICC will pick it up just like what Sass said. Just like what has been done to Kenyatta of Kenya. Habang nasa trial si Duterte, Leni will take over. Ano ba? Bulag pa rin ang marami na kalakaran to ng Amerika at ang katulong nila asa Pilipinas ay ang LP noon pa. Bakit? It's all about national interest mga te. Kahit na nuknukan ng bait ng mga ibang bansa, may agenda yan sa atin mapa China man o America. Now, Duterte is trying to change the game by being neutral with China dahil subok na ang America sa kaso ni Marcos. I am not saying that Marcos is best or good, what I am saying is hindi pumapanig si Duterte sa mga Amerikano dahil subok na ang reputasyon nila sa Iraq, Libya, Syria, at sa iba pang mga bansang pinatalsik ang mga lider.

Ang tanong ngayon...kung sa panahon ni Marcos nagtagumpay sila, paano lalabanan ng mga tao ang kalokohang iyan ngayong lahat ng impormasyon at propaganda ay natatabla na. Self-destruct na ang LP dahil lahat ng skeleton in the closet ay lumalabas na.

Kung naniniwala ka pa rin na matino ang LP? Ewan ko na lang. Either anak mayaman ka, elitista or wala ka lang talagang pakialam sa logic. Eto na lang eh, 30 years namuno sila bakit 3rd world country pa rin tayo? Bakit ngayon ni hindi sila manahimik at makipagtulungan sa mga proyekto ng Gobyerno at talagang hinahanapan ng butas ang pangulo?

Bakit ipinagpilitang manalo si Leni Robredo kahit harap-harapan ng nakikita ang pandaraya? Tugma lahat iyan. Iyan ang dahilan bakit ako bwisit na bwisit noong nanalo si Leni dahil una hindi siya ang nanalo, pangalawa checkmate si Duterte. Just wait and see...their plan is coming. Sabi ko sana mali ako, pero pag nangyari iyon...gusto kong sabihin sa mga taong pilit pinagtatanggol ang LP at si Robredo.."Congrats! Ano nga ulit yung sinabi mo dati? Na walang ganung plano?"

Ipagdadasal ko na mali ako....huwag kayong magrereklamo kapag hindi pa rin umayos ang bansa natin kung si Leni ang naiupo at balik hayahay ang mga kampon ng LP. Well di pala magrereklamo kasi karamihan naman sa supporters nila ay mga di alam ang totoong konsepto ng hirap.

Miyerkules, Setyembre 14, 2016

Ano nga ba ang Ugnayang Panglabas?

Photo Courtesy of Google Images
Mariin ang di pag sang-ayon ng ibang mga tao sa mga binibitawang salita ni Pangulong Duterte. Iba-iba ang opinyon sapagkat diumano ay nasasaktan ang ugnayan nating panglabas lalo na sa Estados Unidos.

Pero, ano nga ba ang Ugnayang Panglabas na nagiging isyu na ngayon? Isang bagay na hindi binibigyan ng masyadong atensyon, dati sapagkat wala naman tayong problema dahil wika nga ng ating Pangulo ay sunod-sunuran lamang tayo noon.

Ngunit, iba na ang panahon ngayon. Kasabay ng pagpili ng ating pangulo sa daang "independent" or "less dependent"  ay ang dapat na pag-alam natin sa kung ano ba talaga ang International Relations at Diplomacy?

Halika at panoorin natin ang pagpapaliwanag sa mga bagay na dapat nating malaman sa paksang nabanggit.

Link to 10 Things you need to know on International Relations and Diplomacy:

International Relations and Diplomacy